I was sooooo inspired by the message I recently received :
salamat po sa tulong. the peace of mind this forum( Diskarte Forum) has given me is priceless.
dati hindi ko na nararamdaman ang saya sa kaka-problema sa mga utang. nabuhay ho ako ng wala pang 5,000 ang monthly take home kasi puro utang ako pambayad sa cc na nababawasan nga pero hindi ko ma-maintain ang bayad so lumalaki ulit.
I have learned my lesson very well. Tinanggap ko na katangahan ang ginawa ko kasi puro ako gastos sa walang katuturang bagay. Hinding hindi na mauulit.
Wala man akong mamahaling cellphone, designer bags at magagandang damit, masaya ako at hindi binili ng utang na pera ang kung anong meron ko ngayon. Talagang walang katumbas na halaga ang tahimik na buhay! Maraming maraming maraming salamat po ulit!