Nadapa ka sa utang sa credit card? 'Wag mag-alala, hindi ka nag-iisa at hindi rin ito katapusan ng mundo. Pero kung dumating na yung mga maniningil na parang kontrabida sa pelikula, oras na para ilabas ang iyong superpowers - kaalaman at karapatan, with a side of humor.
SOA: Show Me the Paper: Kung wala silang maipakitang Statement of Account na may pirma ng bangko, isipin mo na lang na naglalaro kayo ng "Bring Me" at hindi nila na-bring ang tamang item.
Ikaw ang Magdidikta sa Bayaran: Isipin mong game show host ka. Ikaw ang magtatakda ng rules kung magkano at paano ka magbabayad. Pero make sure, naka-document, hindi lang chikahan.
Pag Di Nagkasundo, 'Wag Kang Magpapadala sa Drama: Hindi krimen ang utang sa credit card, civil issue lang 'to. Kung ayaw nila sa proposal mo, 'wag kang mag-panic. 'Di ka contestant sa Survivor na kailangang mag-strategy agad.
Dinamay Pa Pulis at Barangay Na Back-Up Dancers: Tandaan, ang pulis at mga Barangay officials, hindi sila taga-kolekta. Kung may mga totoong pulis o taga barangay na pumunta sa inyo o sumama sa maniningil, demand for their IDs. Wait lang, at ipaalala sa kanila kung within sa jurisdiction ba nila ang ginagawa nila.
Mag-ingat sa Mga Nagpapanggap at Dramatic Entrance: Kung may mag-ala delivery guy tapos biglang mag-reveal ng true colors, parang contestant sa reality show na may surprise twist. 'Wag kang mahulog sa bitag, tawagin mo agad ang pulis o Barangay para humingi ng saklolo.'
Wag Maniwala sa Horror Texts at Calls: Kung may makatanggap ka ng mga scary messages, treat them like prank calls. Ang tunay na warrant of arrest, hindi parang promo text na basta na lang dumarating.
RA 8484: Hindi Para sa Mga Honest Debtors: Ito'y para sa mga nag-commit ng fraud, hindi sa mga hindi lang makabayad on time. Kaya kung i-threaten ka nila dito, isipin mo na lang na nag-audition sila sa isang bad acting contest.
Travel at NBI Clearance: Go Lang Ng Go: 'Wag kang maniwala sa mga pananakot nila na hindi ka makakalabas ng bansa o makakakuha ng NBI clearance. Fake news 'yan.
Ipublish ang Pangalan sa Diyaryo? Chill Lang!: Kung may banta na ipapublish ang pangalan mo sa diyaryo, isipin mo na lang na parang naging celebrity ka bigla, pero walang bayad. May nabasa ka ba ng listahan ng defaulters sa news? Di nga sila makasingil, gumastos pa sila.
Garnishment ng Property? Hindi Yan Basta-basta!: 'Wag basta maniwala kung sinasabi nilang kukunin ang iyong ari-arian. Hindi ganoon kadali 'yun, may proseso pa yan. Aw, wala ka palang ari-arian.
Nakikipag-ugnayan sa Pamilya at Kaibigan sa Social Media: Kung may nag inform sayo na may nagkontak sa kanila at naghanap sayo at urgent na ipa-contact ang kotong low opis, sabihan mo sila na naglipala scammers ngayon. Ikaw nga mismo, di na inform. Sabihan mo sila ipa-report sa NBI.
Barangay at Pulis: Ang Iyong Dream Team: Kung sobrang kulit na ng mga maniningil at feeling mo nasa teleserye ka na, tawagin mo na ang Barangay at lokal na pulisya. Sila ang magiging tagapagtanggol mo. Teamwork makes the dream work, 'di ba?
Tandaan mo, trabaho lang ng hunghang na kolektors ang mangulit, pero may karapatan ka rin. Stay cool, gamitin ang suporta ng awtoridad, at kunin ang lesson sa experience na 'to habang tuloy ang buhay with a smile."
Di naman end of the world to para sayo. Kaya, chillax ka lang. Diskarte. Pray.